Mahirap aminin na nahihirapan ka, mahirap ipakita na nasasaktan ka, alam mo kung bakit? Dahil alam mong sarili mo lamang din ang makatutulong sa'yo. Kahit gustuhin mong magkwento sa iba, o maghanap ng taong p'wedeng sandalan, mas gugustuhin mo parin ang mapag- isa. Hindi mo alam unti- unti ka ng nilalamon ng problema, unti- unti ka ng nauubos. Mas pinipili mong palayain ang mga salitang " Okay lang ako". Pagod na pagod ka na pero kinakaya mo pa! Nagiging sinungaling ka sa nararamdaman mo, ipinagdadamot mo at ikinukulong sa dibdib mo ang lahat ng hirap na pinagdaraanan mo. Takot kang mahusgahan, takot kang pagtawanan, takot kang makatanggap. Minsan kasi talaga kailangan natin magpanggap na masaya para l